TISC, Ipinagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa 2021
September 9, 2021
Ipinagdiwang ng TISC High School at Lower School Department noong Agosto 26, at Upper School Department noong Setyembre 01 ang Buwan ng Wika 2021 na may temang, “Filipino at Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”.
Ang High School Department ay nagpakita ng iba’t ibang sayaw, awit, likhang kwento at tula, creative advertisement at marami pang iba.
Nagkaroon din ng team competition para sa bugtungan at palarong jackstone at sipa. Ang Hazel team na kinabibilangan nina Hezekiah Digo, Faith Mojica, Prince Sairus Azis, Billie Joe Lisama, Pauline Dimaano, Meehayna Alcantara, Jaedon Policarpio, Gng. Reyna Bustamante, at Bb. Rosemabeth dela Cruz ang nanguna sa bugtungan. Si Angelie Rosales at Jeanelyn Tepait naman ang nagwagi sa jackstone at si Terrence Nicolas ang nanguna sa sipa.
Kasabay nito ang palatuntunan ng Lower School. Ipinakita sa mga palatuntunan ang mga likhang sining ng mga mag-aaral. Natunghayan sa ika-una at ikalawang baitang ang sabayang pag-awit ng Pilipinas kong Mahal. Mayroon ding sayaw at presentasyon ng kanilang paboritang salita sa ibang diyalekto ng Pilipinas. Naglaro din ang mga mag-aaral ng kahoot game tungkol sa mga sagisag.
Ang Kinder naman ay nagtanghal kung saan ang mga mag-aaral ay nagpakita ng iba’t ibang probinsiya ng Pilipinas. Naglaro din sila ng paghula ng iba’t ibang sagisag ng Pilipinas.
Ang Upper School Department na nagdiwang ng Buwan ng Wika noong ika – 1 ng Setyembre ay nagpakita ng mga likhang sining mula sa ikatlo hanggang ika-anim na baitang. Ipinakita din ang mga pagtula ng mga piling mag-aaral mula sa ikalima at ika-anim na baitang.
Nagkaroon din ng palaro para sa iba’t ibang baitang. Masasalamin sa mga mag-aaral ang labis na sigla sa kanilang paglalaro ng Kahoot game.